Duterte sa mga bagong appointees: Huwag kayong magnakaw sa gobyerno
Mahigpit ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 200 bagong mga appointees sa iba’t ibang pwesto sa pamahalaan na umiwas na masangkot sa katiwalian.
Ipinaliwanag ni Duterte na mas magiging marahas siya sa mga opisyal at tauhan ng pamahalaan na sasabit sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Hinamon rin niya ang mga appointees na ayusin ang kanilang trabaho dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magsilbi sa pamahalaan.
Muli ring inulit ng pangulo na dadaan sa tamang proseso ang mga transaksyon sa pamahalaan kasabay ang paalala na ayaw niyang mag-lobby sa kanyang tanggapan ang ilang mga negosyanteng humihingi ng kontrata sa gobyerno.
Kabilang sa mga nanumpa sa pangulo ay sina Mocha Uson bilang miyembro ng board ng Movie Television Review and Classificiation Board (MTRCB).
Ang aktor na si Ceasr Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board, Terry Ridon bilang Chairperson ng Commission on Urban Poor at Dating General Reynaldo Berroya bilang Light Rail Transit Administrator.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.