Robredo itinangging may kaugnayan sa “LeniLeaks”
Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo na may kinalaman siya sa tinaguriang “Lenileaks” na napaulat na planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Robredo, hindi siya kabilang sa online group na ‘Global Filipino Diaspora Council’.
Ang nasabing online group ang nagpalutang sa social media ng emails na nagpapakita ng pag-uusap ng ilang us-based supporters ng Liberal Party.
Mariin ang pagtanggi ng pangalawang pangulo na bahagi siya ng naturang grupo sa kabila ng pagkakabanggit sa kanyang pangalan.
Maging ang tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez ay itinanggi rin ang alegasyon at sinabing ang kumalat na emails ay mula sa isang independent group.
Hindi aniya konektado sa Office of the Vice President ang naturang online group.
Sinabi rin ni Hernandez na ang nag-leak na impormasyon ay mula sa isang public Yahoo chat group.
Hindi dapat aniya bigyan ito ng malisya dahil mayroong transparency sa naturang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.