Mosyon ni dating Senador Jinggoy Estrada na makapagpagamot, pinayagan ng Sandiganbayan
Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na sumailalim sa ilang medical examinations.
Sa mosyon ni Estrada na inaprubahan ng Sandiganbayan, sasailalim ang dating mambabatas sa MRI at X-ray.
Bukas ang inaprubahang schedule ng MRI at X-ray ni Estrada, subalit kailangan pang i-check kung anong oras ito maaring gawin.
Batay sa pahayag ng doktor ni Estrada, siya ay may Patello Femoral pain syndrome.
Ito ang rason kung bakit sumasakit ang kaliwang tuhod ni Estrada.
Dagdag pa ng doktor, hindi raw bumuti ang kondisyon ni Estrada sa kabila ng pahinga at pag-inom ng gamot.
Kaya kinakailangan na sumailalim si Estrada sa MRI at X-ray exams upang ma-evaluate ang medical condition nito.
Si Estrada ay kasalukuyang nasa detention cell sa loob ng Camp Crame, dahil pa rin sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa pork barrel scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.