Heavy rainfall advisory, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigang apektado ng bagyong Auring
Nakataas na ang heavy rainfall warning sa siyam na lalawigan dahil sa nararanasang malakas at patuloyna buhos ng ulan hatid ng bagyong Auring.
Sa abiso ng PAGASA, yellow rainfall level ang umiira sa mga lalawigan ng Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands at Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha at landslides sa nasabing mga lugar.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko, lalo na sa mga lugar na apektado ng bagyong Auring na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau mamayang alas 8:50 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.