Palasyo at Kongreso, binanatan dahil sa kunstabahan para mapanatili ang pork barrel

By Jay Dones January 09, 2017 - 04:30 AM

 

Inquirer file photo

Tahimik na binuhay pa rin ng Malacañang ang pork barrel system sa P3.35 trilyong pisong national budget sa kabila ng deklarasyon ng Korte Suprema ang pagiging iligal nito.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, nagawa ito ng mga mambabatas at ng Palasyo sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga proyekto bago pa man maiakyat ang budget sa Kongreso.

Ang naturang usapan at ugnayan aniya ay walang mga opisyal na mga dokumento.

Nagbigay rin si Lacson sa Inquirer ng mga kopya ng ‘pro forma files’ o dokumento kung saan inililista ng mga mambabatas ang mga proyektong kanilang nais na maisagawa sa kanilang distrito.

Gayunman, sa hawak na kopya ng ‘pro forma files’ ni Lacson, makikitang sa halip na engineering district ng DPWH, ang legislative district ang nakasaad sa mga ito.

Ito aniya ay paraan upang matiyak na mapupunta ang quota allocations sa 2017 budget sa kanilang mga teritoryo at mga pet projects.

Una nang sinabi ni Lacson na ilang mga mambabatas na malapit sa Malacañang ang nakatanggap ng P1.5 hanggang P3.0 bilyong pork allocations, samantalang ilang senador naman ay may nakalaang P300 milyon.

Gayunman, mariing itinatanggi ng Palasyo na may ‘pork’ pa rin ang P3.35 trilyong pisong 2017 national budget.

Si Lacson, kasama si dating Sen. Joker Arroyo ay kapwa tumangging tanggapin ang kanilang pork barrel noong mga panahong pinapayagan pa ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.