Jinggoy Estrada, humiling sa Sandiganbayan na makalabas ng piitan
Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si dating Sen. Jinggoy Estrada para hilingin na payagan siyang makalabas mula sa pagkakaditine para ipagamot ang pananakit ng kanyang tuhod.
Nakasaad sa mosyon ng dating mambabatas na kailangan niyang sumailalim sa medical examinations kaugnay ng kanyang nararamdaman.
Kailangan kasi umano niyang sumailalim sa Magnetic resonance imaging (MRI) at magpa X-ray sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City upang patingnan ang nararanasan na patellofemoral pain syndrome.
Si Estrada ay nahaharap sa plunder charges kaugnay sa multi-million pork barrel scam.
Kasalukuyang siyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.