‘Heavy’ rainfall advisory, nakataas sa ilang lugar na apektado ng bagyong ‘Auring’

By Jay Dones January 08, 2017 - 09:47 PM

 

auring 7pmItinaas na ng Pagasa ‘Heavy Rainfall warning’ sa ilang mga lalawigang apektado ngayon ng bagyong ‘Auring’.

Sa Heavy Rainfall Advisory ng Pagasa na inilabas dakong alas 8:50 ng gabi, nasa ilalim ng banta ng mga pagbaha at landslide ang mga lugar ng:

Red’ warning:

-Dinagat islands,
-Siargao islands,
-Surigao Del Norte.

Sa ilalim ng ‘Red warning’ seryosong banta ng pagbaha ang dapat na paghandaan ng mga residente sa mga mababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

Orange’ warning:

-Surigao Del Sur
-Agusan Del Norte.

Sa ‘orange warning’ naman, nagbabanta ang mga bagbaha at landslides.

Yellow’ warning:

-Camiguin
-Misamis Oriental.

Sa ilalim ng ‘Yellow’ warning, posible ang mga pagbaha sa mga mababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.