Surigao City, naghahanda na para sa epekto ng bagyong Auring

By Mariel Cruz January 08, 2017 - 03:01 PM

SURIGAO CITYInihahanda na ang mga eskwelahan sa Surigao City para sa inaasahang paglikas ng mga residente na maaapektuhan ng Bagyong Auring.

Ayon kay Elmer Tecson ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, dalawampu’t isang paaralan ang nakahanda na para gawing evacuation centers.

Ngayon aniya ay masusi na nilang mino-monitor ang mga lugar na lungsod na madalas binabaha at nakararanas ng landslide tuwing may bagyo.

Hanggang sa mga oras na ito aniya ay isa pa lamang na lugar sa lungsod ang nakaranas ng landslide pero wala naman napaulat na nasawi o nasugatan.

Samantala, sinabi din ni Tecson na aabot na sa 773 na pasahero ang stranded sa mga pantalan at bus terminals sa lungsod simula kaninang 10:45 ng umaga.

Batay sa weather bulletin ng PAGASA, kabilang ang Surigao del Norte at labing siyam na iba pang lalawigan sa Mindanao ang nasa ilalim ng Signal No. 1 dahil sa bagyong Auring.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang mag-landfalla ng bagyo sa Surigao del Sur.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.