Trump, binatikos ang mga kumokontra sa kanyang pakikipag-alyansa sa Russia

By Mariel Cruz January 08, 2017 - 09:02 AM

Trump-Racist-Support-620x481Hindi pinalampas ni United States President-elect Donald Trump ang mga bumabatikos sa kanya dahil sa pakikipag-alyansa sa bansang Russia.

Ito ay matapos makipagpulong ni Trump sa mga lider ng ilang US intelligence agency kabilang na sa director ng national intelligence na si James Clapper at CIA chief John Brennan.

Sina Clapper at Brennan ang nagsabi kay Trump na pinangunahan ni Russian President Vladimir Putin ang cyberattack at leaking campaign para manalo ang businessman sa nakaraang eleksyon sa US.

Sa kanyang Twitter account, tinawag ni Trump na “stupid” at “fool” ang mga kritikong tumutuligsa sa kanya dahil sa pakikipag-kaibigan sa Russia.

Ayon kay Trump, walang masama sa kanyang ginagawa dahil sa katunayan, makakatulong aniya ito para mas mapabuti pa ang relasyon ng Russia at Estados Unidos.

Kapag aniya pormal na siyang nakaupo bilang pangulo ng US, mas tataas na ang respeto ng Russia sa kanilang bansa.

Tiniyak din ni Trump na magsasanib puwersa ang US at Russia sa pagresolba sa anumang problema na kakaharapin ng mundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.