US embassy, naglabas ng security message ukol sa Pista ng Itim na Nazareno

By Angellic Jordan January 08, 2017 - 08:58 AM

US SECURITY MESSSAGEKasabay ng United Kingdom, nag-abiso rin ang Embahada ng Estados Unidos sa American nationals na kasalukuyang nananatili sa Pilipinas kaugnay ng taunang selebrasyon ng Traslacion ng Itim na Nazareno bukas.

Sa inilabas na security message, nagpaalala ang embahada sa mga isinarang kalsada, mga lugar na tatanggalan ng signal at dadaanang ruta ng milyun-milyong Pilipinong deboto.

Hindi man direktang inihayag, hinikayat ng US embassy ang mga Amerikano na alalahanin ang preventive measures upang masiguro ang kaligtasan sa pag-iikot sa bansa.

Batay pa rito, sinabi ng Department of State Worldwide na may terror threats laban sa bansa maging sa mga Amerikano at iba pang foreigner noon pang September 9, 2016.

Sa kabila nito, siniguro ni Manila Mayor Joseph Estrada na mallit lamang ang tsansa ng banta ng terorismo sa nasabing pista.

Aniya, walang naitalang terror threat ang mga organisasyong panseguridad kaugnay dito.

Gayunman, pinaalalahanan ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel, ground commander sa operasyon sa Traslacion, ang publiko na manatiling kalmado sa kabila ng mga lumalabas na terror threats.

TAGS: Traslacion 2017, Traslacion 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.