Pahalik sa Itim na Nazareno, magsisimula na ngayong araw

By Rod Lagusad January 08, 2017 - 05:21 AM
nazareno pahalikMagsisimula na ngayong araw Linggo, January 8 ang taunang “pahalik” sa Itim na Nazareno na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Luneta. Ang naturang pahalik ang siyang nagbibigay ng pagkakataon na mas makalapit sa Poon. Ilang araw bago pa maganap ang isasagawang “pahalik” sa araw na ito ay may mga deboto na matiyagang nag-abang sa Quiapo Church para mahawakan at mahalikan ang poon ng Itim na Nazreno. Ang ilang aktibidad na gaganapin  sa Quirino Grandstand ngayong araw ay ang parada ng banda na susundan ng overnight vigil na tatampukan ng mga spiritual talks, youth dance o drama presentations at katekismo. Nauna na dito kahapon, Sabado ang naging parada ng mga replika ng Black Nazarene sa paligid ng Quiapo Church bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan. Ang taunang prusisyon ng mga replika ay isinasagawa para mabawasan kahit papaano ang bilang ng mga taong dadalo sa mismong araw ng pista tuwing January 9.

TAGS: Itim na Nazareno, Luneta, pahalik, Quiapo Church, Quirino Grandstand, Itim na Nazareno, Luneta, pahalik, Quiapo Church, Quirino Grandstand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.