3 sundalo patay, 22 iba pa sugatan matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang military vehicle sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Mindanao January 06, 2017 - 02:13 PM

talipao suluTatlong sundalo ang nasawi, habang dalawampu’t dalawang iba pa ang nasugatan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang military vehicle sa Talipao, Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan Jr., bumaligtad ang sinasakyang trucj ng mga sundalo sa bahagi ng Upper Kamuntayan sa nasabing bayan kaninang alas 5:30 ng madaling araw.

Nagkaproblema umano ang preno ng isa sa mga truck na bahagi ng convoy kasama ang iba pang military vehicles habang binabagtas ang Danag-Bilaan road.

Sumadsad muna ang truck bago bumaligtad ng maraming beses.

Unang iniulat na nasugatan ang tatlong sundalo, pero nasawi din kalaunan sa military hospital sa Jolo dahil sa tinamong sugat sa kanilang katawan.

Lima pa sa mga nasugatang sundalo ang inirekomenda ng mga manggagamot na mailipat sa ospital sa Zamboanga City.

 

 

TAGS: 3 soldiers died in Sulu accident, AFP, Talipao Sulu, 3 soldiers died in Sulu accident, AFP, Talipao Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.