Media pinagbawalan na i-cover ang New Year’s call sa PNP chief ngayong taon
Hindi gaya noong mga nagdaang taon, naging mahigpit ngayon sa media ang Philippine National Police (PNP) sa idinaos na aktibidad para sa New Year’s call kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa.
Binawalan kasi ang mga mamamahayag na makapasok sa multi-purpose hall ng PNP kung saan idinaraos ang event.
Noong mga nagdaang taon, pinapayagan ang mga miyembro ng media sa loob para maicover ang tradisyunal na event ng PNP.
Sa taunang New Year’s call, tinatanggap ng PNP chief ang lahat ng regional directors at pinuno ng national support units ng pambansang pulisya kasama ang kani-kanilang asawa.
Hindi naman nagbigay ng paliwanag si PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos kung bakit hindi napayagan ang media na mag-cover.
Sa halip, nagbibigay na lamang si Carlos ng mga larawan at maiiksing video sa media ng mga pangyayari sa loob ng multi-purpose hall.
PNP pinagbawalan ang media na i-cover ang taunang New Years' Call sa kauna-unahang pagkakataon pic.twitter.com/6GBRqhOOZT
— ruel perez (@iamruelperez) January 6, 2017
PNP spokesperson SSupt. Dionardo Carlos providing media w/ videos of the ceremony though. @inquirerdotnet pic.twitter.com/A7Fg0CXS1o
— Julliane de Jesus (@JLDejesusINQ) January 6, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.