Pinakamainit na temperatura sa mundo naitala noong 2016
Noong nagdaang taong 2016 naging pinakamainit ang mundo ayon sa Copernicus Climate Change Service ng European Union.
Nahigitan pa ng taong 2016 ang naitalang init sa mundo noong taong 2015.
Ang Arctic region ang nagpakita ng matinding pagtaas ng temperatura habang marami pang lugar sa mundo kabilang ang mga bansa sa Africa at Asya na nakaranas din ng maituturing na “unusual heat”.
Ayon sa pag-aaral, ang global surface temperature noong 2016 ay pumalo sa average na 14.8 degrees Celsius o 58.64 degrees Fahrenheit na mas mataas ng 1.3 degrees Celsius.
Noong February 2016, ang temperatura sa mundo ay naitala ng 1.5 degrees Celsius na mas mataas.
Ang pag-init ng panahon sa mundo ay bunsod ng stoking wildfires, heat waves, droughts, pagbaha at iba pang kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.