Utos ni Bato: Mga puganteng preso sa N. Cotabato, maaring arestuhin ng pulis kahit walang warrant

By Mariel Cruz January 06, 2017 - 04:46 AM

Bato new yearMaaaring arestuhin ng mga pulis ang mga presong nakatakas sa North Cotabato District Jail kahit walang warrant of arrest.

Ito ang utos ni Philippine National Police chief Director Gen. Ronald dela Rosa sa mga pulis sa Mindanao.

Ayon pa kay Dela Rosa, inutusan na niya ang police regional directors sa Mindanao na tumulong sa Bureau of Jail Management and Penology sa manhunt operations laban sa mga pumugang preso.

Kasabay nito, ipinag-utos na din ni Dela Rosa sa mga PNP commanders ang pagsasagawa ng isang security survey sa lahat ng detention facilities sa bansa para maiwasan ang kaparehong insidente.

Sa mga oras na ito, aabot pa sa 110 na pumugang preso ang pinaghahanap ng mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.