Pangulong Duterte, bibisitahin ang Russian warships sa Manila Bay

By Kabie Aenlle January 06, 2017 - 04:42 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang Russian warships na naka-daong sa Manila Bay ngayong araw.

Matatandaang dumating sa Maynila ang antisubmarine vessel ng Russia na Admiral Tributs, at ang sea tanker nila na Boris Butoma noong Martes, para sa isang apat na araw na goodwill visit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, makakatulong ang nasabing goodwill visit ng Russian Navy sa kanilang pakikipagkaibigan sa Philippine Navy.

Isa rin aniya itong pahiwatig na maari pang mas pagandahin ang maritime cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia, upang maisulong ang diplomasya at camaraderie.

Una nang sinabi naman ng pangulo na bukas siya sa pagkakaroon ng joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Ayon naman kay Rear Adm. Eduard Mikhailov, na deputy commander ng Flotilla ng Russian Navy Pacific Fleet, pag-uusapan pa nila ang posibilidad ng nasabing aktibidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.