Pagtaas sa presyo ng kuryente, tuloy na sa Marso
Magpapatupad ng dagdag-singil sa presyo ng kuryente ang Meralco sa buwan ng Marso.
Ito ay resulta ng isinagawang shutdown sa Malampaya power plant na sumasailalim ngayon sa maintenance.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), posibleng nasa P1.20 kada kilowatt hour ang madagdag sa singil sa kuryente.
Samantala, sa susunod na buwan, maari pang makaranas ng mas manipis na reserba sa kuryente bunsod pa rin ng nasabing shutdown.
Sinabi ng DOE na sa February 13 hanggang 17, 2017, maaaring magtaas ng yellow alert dahil magiging manipis ang reserba sa kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.