Hindi bababa sa 76 katao ang nasaktan makaraang madiskaril ang isang commuter train sa Brooklyn New York sa gitna ng morning rush hour.
Naganap ang pagkadiskaril ng tren dakong alas 8:30 ng umaga, oras sa New York sa Atlantic Terminal sa New York borough.
Dahil sa insidente, nag-panic ang maraming mga pasahero ng tren at nagpumilit na makalabas ng tunnel.
Ayon sa tweet ng New York Fire Department (FDNY) nasa 76 na commuter ang nagtamo ng ‘non life threatening injuries’ resulta ng train derailment.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagkadiskaril ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.