Suplay ng kuryente, apektado ng matinding heat wave sa Poland

August 11, 2015 - 09:49 AM

warsawNagpatupad na ng ilang oras na power interruption ang mga power suppliers sa bansang Poland dahil sa nararanasang heat wave doon.

Ayon kay Poland Prime Minister Ewa Kopacz, umaabot sa 38 degrees Celsius ang init sa Poland at wala silang nararanasang pag-ulan. Dahil dito, natutuyo na rin ang mga pananim.

Ang water level sa Vistula river at iba pang ilog ay patuloy rin sa pagbaba.

Ayon kay Kopacz, inaasahang titindi pa ang epekto ng heat wave sa susunod na mga araw. “The situation resulting from the heat wave is serious and we have bad forecasts for the next 10 or 11 days,” sinabi ni Kopacz.

Umapela din ang prime minister sa pubiko na magtipid sa paggamit ng kuryente sa pmamagitan ng pagbabawas sa paggamit sa enerhiya sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. / Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: Poland heat wave, Poland heat wave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.