California-Mexico border dumanas ng halos ay 300 pagyanig sa nakalipas na apat na araw
Palaisipan ngayon sa mga scientists ang halos ay oras-oras na pagyanig malapit sa California-Mexico border mula pa noong December 31.
Sinabi ni Caltech seismologist Egill Hauksson na nakapagtala na sila ng halos ay 300 na mahinang pagyanig kung saan ang pinakamalakas ay naitala sa magnitude 4.
Para sa ilang mga eksperto ay maituturing na nakababahala ang nasabing mga pagyanig partikular na sa Brawley town na nasa ibabaw lamang ng itinuturing nilang seismically active region na Brawley Seismic Zone.
Ang bayan ng Brawley ay matatagpuan 170 miles sa Timog ng Los Angeles.
Kalapit rin nito ang dalawa pang aktibong fault system sa U.S na San Andreas at Imperial Fault na siyang madalas na pagmulan ng mga major quakes sa California.
Sinabi ni Brawley Mayor Sam Couchman na inalerto na niya ang kanyang mga nasasakupan na maging handa sa posibilidad ng mas malakas pa na mga pagyanig sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.