WATCH: Mga nagprotestang kulektor ng basura sa QC, balik-trabaho na matapos dagdagan ang sweldo

By Ricky Brozas January 03, 2017 - 12:55 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Balik-trabaho na ang mga nagwelgang trabahante ng 316 metro transport Inc na kinabibilangan ng mga pahinante at driver ng truck ng basura na nangungulekta sa distrito singko sa Quezon City.

Ayon kay Beverly Espejo, clerk ng 316 Metro Transport Inc., pinagbigyan na kasi nila ang hiling ng mga trabahador na umento sa sahod.

Mula sa P90 pesos ay P150 na ang tatanggaping bayad ng mga pahinante sa kada biyahe.

Habang ang mga driver naman ay P200 hanggang P230 ang bayad sa kada pasada depende sa laki ng trak na kanilang imamaneho.

Paglilinaw naman ni Espejo, wala pa silang maibibigay na ibang benepisyo sa mga pahinante dahil hindi pa sila nagre-regular ng empleyado dahil seasonal lang naman daw ang pagkuha sa mga ito.

Noong Lunes, nagwelga ang mga pahinante at driver ng 316 Metro Transport Inc. sa mismong tanggapan ng kumpanya sa Payatas Road para igiit ang umento sa kanilang kakarampot na suweldo.

Isa sa sumama sa welga ay si Mang Rodelio Roco na naputulan pa umano ng daliri habang ginagampanan ang kanyang trabaho pero hindi man lamang umano siya binayaran ng kumpanya.

TAGS: garbage collectors, quezon city, garbage collectors, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.