Tauhan ng Philippine Coast Guard na nagpaputok ng baril noong Bagong Taon, sinibak na sa pwesto
Sinibak na sa puwesto ni Philippine Coast Guard (PCG), officer-in-charge, Commodore Joel Garcia ang isa sa mga tauhan nito na nahuling nagpaputok ng baril noong pagsalubong sa bagong taon sa Pasacao, Camarines Sur.
Ayon kay Garcia, ipinag-utos niya sa district commander ng coast guard sa Bicol na sa oras na makapagpiyansa at makalaya si Petty Officer 3rd Class Ryan Lumbre ay agad itong pagreportin sa headquarters ng coast guard sa Maynila.
Sinabi ni Garcia na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon at kapag napatunayang nagpaputok nga ito ng baril ay kanilang itong sisibakin na ito ng tuluyan sa serbisyo.
Bukod sa kasong kriminal, mahaharap din anya ito sa mga kasong administratibo.
Layon nito na parusahan ang nasabing coast guard personnel at upang hindi rin pamarisan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.