(updated) Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Cortes sa lalawigan ng Bohol.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagyanig alas 4:19 ng kaninang umaga.
Ang nasabing pagyanig ay naramdaman sa maraming bayan sa Bohol at maging sa Cebu.
Naramdaman ang Intensity 4 sa mga bayan ng Cortes, Maribojoc at Antiequera, Bohol.
Intensity 3 naman ang naramdaman sa Tagbilaran City; at sa mga bayan ng Loon; Balilihan; San Isidro; Corella; Sikatuna; at Loboc, Bohol.
Intensity 2 sa Tubigon at Alburquerque, Bohol at sa Argao at Sibonga, Cebu. Habang Intensity 1 naman sa Cebu, City.
Samantala alas 5:04 ng umaga kanina, niyanig naman ng Magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang aftershocks sa dalawang magkasunod na pagyanig./Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.