Tatlong sundalo, arestado sa indiscriminate firing sa Oriental Mindoro

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 08:28 AM

Oriental MindoroIsa ang sugatan matapos tamaan ng stray bullet na mula sa armas ng mga sundalo ng Philippine Army na nagpaputok ng baril sa Oriental Mindoro.

Dahil sa nasabing insidente, inaresto ang tatlong sundalo na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kinilala ang mga sundalo na sina Privates First Class Kevin Fajilgutan, John Rey Calansa at Leonard Magro.

Ang mga sundalo ay pawang miyembro ng 514th Engineering Construction Battalion ng 51st Engineering Brigade.

Ayon kay Oriental Mindoro police chief Senior Superintendent Christopher Birung, pinaputok ng tatlong sundalo ang kanilang .45 pistols service firearms sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Nag-iinuman umano noon ang tatlong sundalo nang sila ay magpaputok ng baril.

Nasa maayos naman nang kondisyon ang nabiktima ng ligaw ng bala.

 

TAGS: indiscriminate firing, Oriental Mindoro, indiscriminate firing, Oriental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.