LPA na binabanatayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao, hindi papasok sa bansa
Maliit ang tsansa na pumasok sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bahagi ng silangan ng Mindanao.
Ayon kay PAGASA forecaster Aldczar Aurello, bagaman nasa labas ito ng bansa, apektado ng extension ng nasabing LPA ang bahagi ng Mindanao partikular ang silangang bahagi nito.
Dahil sa nasabing LPA, makararanas ng pag-ulan sa sa mga rehiyon ng CARAGA at Davao.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon, wala pang bagyo na papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sakaling may pumasok na bagyo, tatawagin itong Auring.
Habang Northeast Monsoon naman ang naka-aapekto sa Luzon at sa Eastern Visayas.
Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol, Eastern at Central Visayas at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, isolated na pag-ulan lamang o thunderstorms ang mararanasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.