Rear Admiral Cesar Taccad, itinalagang bagong pinuno ng Philippine Navy
Pormal nang itinalaga si Rear Admiral Cesar Taccad bilang ika-35 na pinuno ng Philippine Navy.
Pinalitan ni Taccad si Outgoing Navy Flag- Officer-in-Command Vice Admiral Jesus Millan na nagretiro sa edad na 56.
Naging panauhing pandangal si Pangulong Benigno Aquino sa Change of Command at retirement Ceremonies sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Blvd., Manila.
Sa kanyang talumpati, agad na binigyan ng direktiba ni Pangulong Aquino si Taccad na gamitin ang puwersa ng Philippine Navy upang tugunan ang mga usaping panseguridad ng bansa.
“Di biro ang bago mong tungkulin: Masalimuot ang mga pagsubok na hinaharap ng ating bansa. Kailangan mong balansehin ang kapasidad ng ating hukbo sa pagtugon sa mga banta sa ating seguridad,” ayon kay Pangulong Aquino.
Umaasa rin ang pangulo na pangunngunahan ni Taccad ang implementasyon ng Navy Strategic Plan 2020.
Samantala, nangako naman ang bagong Navy Chief na isusulong nito ang modernisasyon at propesyunalismo sa hanay ng Naval Forces.
Si Taccad ay tubong Cavite at bahagi ng PMA Sandigan Class na nagtapos noong 1982.
Recipient din ito ng tatlong Distinguisged Service Stars, apat na Gawad Kaunlaran Medal at walong Military Merit Medal./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.