Bilang ng firecracker-related injuries, bumaba ng 60% – DOH

By Isa Avendaño-Umali, Ricky Brozas January 01, 2017 - 01:02 PM

 

Kuha ni Rod Lagusad
Kuha ni Rod Lagusad

Umakyat na sa 350 ang firecracker-related injuries sa buong bansa, batay sa latest tally ng Department of Health o DOH, as of 6AM.

Sa isang press conference, inanunsyo ni Health Secretary Paulyn Ubial na 60% na mas mababa ang naturang bilang kung ikukumpara sa nairekord na 874 cases sa kaparehong panahong sinalubong ang 2016.

Mas mababa rin ito ang 5 year average o mula 2011 hanggang 2015.

Sa nasabing bilang, na mula sa limampung centinel sights ng DOH, 348 na mga kaso ay dahil sa paputok habang ang dalawa ay ingestion.

132 o karamihan sa mga biktima ay nadale ng piccolo, habang ang iba pang kaso ay dahil sa kwitis, lusis, fountain at iba pang uri ng paputok.

Mayorya rin o 203 sa hanay ng mga biktima ay mga bata.

Ayon kay Ubial, ang pinaka-batang may firecracker-related injury ay isang dalawang taong gulang at ang pinakamatandang biktima ay nasa edad pitumpu’t isang taong gulang.

Sinabi ng kalihim na 60% ng mga kaso ay naitala sa National Capital Region, kung saan pinakamarami sa lungsod ng Maynila, sinundan ng Quezon City at pangatlo sa Marikina.

Sa kabila ng mga firecracker-related injuries, walang pang nasasawi.

Gayunman, ikinalungkot ni Ubial ang kaso ng isang 15-anyos na dalaga na tinamaan ng ligaw na bala.

Kinilala ang biktima na si Emelyn Villanueva na nanunuod lamang ng fireworks display nang tamaan ng ligaw na bala sa Malabon.

TAGS: firecracker related injuries, firecracker related injuries

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.