Pamimigay ng condoms, malaking banta sa Pilipinas – Catholic group

By Angellic Jordan January 01, 2017 - 10:10 AM

 

doh condom Paulyn-Ubial-620x413Maliban sa extra judicial killings at death penalty bill, pinakamalaking bantang kakaharapin ng mga Pilipino ngayong taon ang distribusyon ng condoms sa mga paaralan.

Ayon kay Frank Padilla, Servant General ng Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL), mas malaking hamon ang planong agarang implementasyon nito ng Department of Health kumpara sa mga ibang isyu sa bansa.

Sa mensahe nito sa kapistahan ng Holy Innocents, sinabi nito na ang pagtanggap dito ang magsisilbing simula ng paglaganap ng bilang ng kamatayan sa bansa sa pamamagitan ng aborsyon.

Banat pa ni Padilla, hindi nalalayo na magiging legal ang aborsyon sa darating na panahon ngunit mapipigilan aniya ito kung aaksyon ang mga tutol dito.

Kamakailan, matatandaang inanunsiyo ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo ang limampu hanggang isang daang milyong pondo para sa pagpapamigay ng condom para sa HIV-AIDS awareness campaign ng ahensya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.