35 patay sa ‘Santa attack’ sa Istanbul, Turkey

By Angellic Jordan January 01, 2017 - 09:37 AM

Istanbul attackMahigit tatlumpu’t limang katao ang patay habang apatnapu naman ang nasugatan sa isa umanong ‘terror attack’ sa Reina nightclub sa Istanbul, Turkey.

Ayon sa Gobernador ng lungsod, nagdiriwang lamang ang mga taong nasa naturang nightclub para sa Bagong Taon nang biglang nagkaroon ng pag-atake.

Nakasuot ng Santa Clause costume ang mga gunmen na walang habas na namaril sa nightclub.

Kabilang sa mga nasawi ay isang police officer.

Batay sa ilang saksi, ang mga umatake ay nagsasalita ng ‘Arabic.’

Paglalarawan ni Vasip Sahin, ang teribleng insidente sa bahagi ng Bosphorus ay maituturing bilang isang terror attack.

Kasalukuyan namang ginagamot ang mga sugatan sa ospital.

TAGS: Santa Attack in Istanbul, Santa Attack in Istanbul

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.