2 “New Year babies”, ipinanganak sa Fabella Hospital
Kasabay ng pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon ay inabangan din ang pagsilang ng mga tinaguriang “New Year babies” sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Ayon kay Dr. Rica Ching, isang OB Gyne, na may dalawang New Year babies ang isinalang sa naturang ospital.
Isa sa mga bagong silang ay isang baby girl na pinangalanang Shamah Jane Bolon, na isinilang sa pamamagitan ng normal delivery
Ang isa pang sanggol ay isang baby boy na ipinanganak sa pamamagitan naman ng caesarian.
Pawang malusog ang mga isinilang na mga sanggol maging ang kanilang mga ina.
Kilala ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa pagiging pangunahing ospital pagdating sa paanakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.