Mga nasugatan sa paputok, 141 na ilang oras bago ang bagong Taon

By Len Montaño December 31, 2016 - 04:59 PM

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Umabot na sa 141 ang nasugatan sa paputok batay sa tala hanggang ngayong Sabado o ilang oras bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Pero ayon sa Department of Health (DPH), mas mababa pa rin ito kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon na nasa 214 o 34 percent na mas mababa.

Ayon kay DOH Spokesman Assistant Secretary Eric Tayag, sa nationwide tally ay pinakamarami pa rin ang bilang na sugatan ang nagmula sa National Capital Region (NCR) na nasa 72 na.

Umaabot naman sa 78 ang mga sugatan na ang dahilan ay ang ipinagbabawal na piccolo. Sa 141 na injuries, umaabot sa 109 dito ay pawang mga bata.

Noong nakaraang taon ay nakapagtala ang DOH ng kabuuang 932 cases ng injuries sa buong bansa mula December 21, 2015 hanggang January 5, 2016.

Ito ay mas mataas ng 72 cases o 8% kumpara noong taong 2014 na 860 injuries.

Samantala, sa kabuuang 932 na mga sugatan, nasa 920 o 98.7% ay dahil sa fireworks, habang nasa sampu o 1.1% naman ang may kinalaman sa stray bullets, at dalawa o 0.2% ang naitala na firecracker ingestion.

May naitala na rin ang DOH na namatay dahil sa paggamit ng malakas na paputok na tinatawag na “Good-bye Philippines.”

TAGS: department of health, Eric Tayag, National Capital Region, department of health, Eric Tayag, National Capital Region

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.