9 patay sa gumuhong minahan ng uling sa India
Siyam na manggagawa ang namatay habang nasa dalawang dosena naman ang pinaniniwalaang na-trap sa gumuhong minahan ng uling sa Eastern Indian State ng Jharkhand.
Nangyari ang insidente noong Huwebes ng gabi sa isang government-owned na minahan sa distrito ng Godda.
Ayon sa ilang ulat, maliban sa mga nasawi ay inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga na-trap sa naturang minahan.
Samantala, labis ang pagsisikap ng search and rescue operations na makuha ang mga pinaniniwalaang na-trap sa gumuhong minahan.
Gayunman, nakatutuok si Jharkhand Chief Minister Raghubar Das sa rescue operation.
Aniya, maglalabas siya ng kautusan na pangunahan ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.