Populasyon ng Pilipinas, aabot na sa 105.7-M sa 2017-PopCom
Malapit nang pumalo sa 105.7 milyon ang populasyon ng Pilipinas pagsapit ng susunod na taong 2017.
Ayon sa Commission on Population (PopCom), malaki ang tsansang umabot sa na sa 105,758,850 ang populasyon pagsapit ng December 31, 2017.
Ayon kay PopCom Executive Director Juan Perez III, batay sa kanilang pagtaya, sa isang minuto ay may 3.22 pagsilang ng sanggol ang magaganap.
Dahil dito, posibleng umabot sa 1,691,897 mga sanggol ang isisilang sa susunod na taon.
Ang posibilidad na ito aniya batay sa kanilang mga kalkulasyon ay dahil sa mas mataas ang bilang ng mga kababaihan na nasa tamang edad na may kakayanang magdalantao at magbuntis.
Sa pagsapit aniya ng 2017, aabot sa 27,293,422 ang mga kababaihang nasa pagitan ng edad 15 hanggang 49 anyos.
Ang naturang bilang aniya ng mga kababaihang nasa tamang edad ay ang pinakamataas na sa tala ng PopCom kumpara s amga nakalipas na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.