Isa sa mga suspek sa pamamaril sa pitong katao sa Caloocan, naaresto na

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2016 - 11:43 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado sa isinagawang follow-up operation ang isa sa mga suspek na pumasok sa isang lugar sa North Caloocan kagabi at saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ang limang menor edad, isang babae na buntis at kaniyang biyenan.

Ayon kay Northern Police District chief, Sr. Supt. Roberto Fajardo, patuloy pa ang kanilang follow-up operation para sa ikadarakip ng iba pang mga suspek.

Taliwas sa naunang napaulat na ‘gang war’ ang dahilan ng pamamaril, sinabi ni Fajardo na sinisilip na nila ngayon ang anggulong drug war.

Maari aniyang onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa mga biktima.

Ayon kay Fajardo, ang bahay kung saan binaril at pinatay ang limang kabataan ay ginagamit umanong drug den.

May mga nakuha din umanong sachet ng shabu sa nasabing bahay.

 

 

TAGS: 7 persons killed, caloocan, suspect arrested, 7 persons killed, caloocan, suspect arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.