Japanese PM Shinzo Abe, biyaheng Pilipinas sa Enero

By Kabie Aenlle December 29, 2016 - 04:26 AM

 

shinzo-abeNakatakda na sa January 12 at 13 ang pagbisita dito sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, dahilan para siya ang maging kauna-unahang pinuno ng bansa na tutugon sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma mismo ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr. ang magiging pagbisita dito ni Abe, na isa rin sa mga nauna nang nabisita ni Pangulong Duterte sa ilang bansang kaniyang pinuntahan nitong taon, mula nang siya’y manungkulan.

Ang kakaiba aniya sa pagbisita ni Abe, ay dahil bukod sa Maynila na madalas nang pinupuntahan talaga ng ibang pinuno ng mga bansa, nais ng prime minister na pumunta sa Davao.

Ayon pa kay Yasay, si Japanese Foreign Minister Fumio Kishida ang kauna-unahang foreign minister na bumisita sa Davao sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Si Kishida rin aniya talaga ang kauna-unahang foreign minister na nalalaman ni Yasay na pumunta sa Davao, nang mag-courtesy call ito noong August 11.

Ginawa ito ni Kishida kasabay ng paganunsyo ng alok ng Japan na $2.4 billion para sa isang proyekto na magtatayo ng bagong tren sa Metro Manila, pati na ang pagsuporta sa kaparehong proyekto sa Mindanao.

Dagdag pa ni Yasay, posibleng silipin rin ng Japan kung paano pa ito makakatulong sa pagtatayo ng rehabilitation center sa bansa, bilang pagsuporta naman sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Dahil balak ni Abe na bumisita sa Davao, maghahanda ang pamahalaan ng aktibidad sa Maynila at sa Davao para sa pagdating ng unang country leader na bibisita sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.