Babaeng nag-positibo sa Zika, nagsilang ng isang malusog na sanggol

By Kabie Aenlle December 29, 2016 - 04:22 AM

 

Inquirer file photo

Nagsilang ng isang malusog na lalaking sanggol ang ikalawang babaeng buntis na nag-positibo sa Zika virus dito sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Mahigpit na binantayan ng mga health authorities ang 16-anyos na ina ng bata na mula sa Las Piñas City, matapos siyang ma-diagnose ng Zika vitus noong Nobyembre, isa ika-32 linggo ng kaniyang pagbubuntis.

Mababatid na ang Zika virus, kapag dumapo sa isang babaeng nagbubuntis, ay posibleng magdulot ng mga seryosong birth defects, kabilang na ang microcephaly. Sa microcephaly, ipinapanganak ang isang sanggol na may maliit na ulo o bungo.

Mismong si Health Sec. Paulyn Ubial naman ang nag-anunsyo sa media na normal at malusog ang bata nang ito ay ipanganak noong December 20.
Sa ngayon ay mayroon nang na-monitor ang DOH na 52 kumpirmadong kaso ng Zika virus, at pawang may mga edad 7 hanggang 59 ang mga pasyenteng ito.

Ang unang buntis na babaeng nagkaroon ng Zika virus sa kaniyang ika-19 na linggo ng pagbubuntis ay inaasahang manganganak sa Enero.

Sa kabutihang palad ay wala pa namang nakikitang abnormalidad sa kaniyang dinadalang sanggol base sa mga nagdaan niyang ultrasounds.

Samantala, bagaman normal na naipanganak ang bata, hindi pa naman masabi ng DOH kung naging isang aspeto dito ang pagkakaroon niya ng Zika sa mga huling stage ng kaniyang pagbubuntis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.