Dating Sen. Bong Revilla umapela sa Sandiganbayan na madalaw ang ama

By Isa Avendaño-Umali December 28, 2016 - 03:21 PM

Bong-Revilla-21
Inquirer file photo

Muling humirit si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa Sandiganbayan ng isang furlough.

Sa kanyang urgent motion, hiniling ni Revilla na makalabas sa detention cell ng Philippine National Police upang madalaw ang kanyang ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Muli raw kasing na-confine ang matandang Revilla sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig noong December 22 matapos ma-diagnose ng acute kidney infection.

Sa hiling ni Revilla, sana ay makalabas siya mula ngayong araw December 28 hanggang 29 at December 31 hanggang January 1, 2017.

Ang matandang Revilla, 89 years old, ay inaasahan umano na mananatili sa ospital hanggang January 3, 2017.

Nauna nang pinagbigyan ng Sandiganbayan ang unang request for furlough ni Revilla upang bisitahin ang kanyang tatay na isinugod sa ospital dahil sa severe sepsis secondary to pneumonia.

Si Revilla ang nakakulong dahil sa mga kasong nagdadawit sa kanya sa Pork Barrel Scam.

TAGS: PNP, Revilla, sandiganbayan, st. lukes, PNP, Revilla, sandiganbayan, st. lukes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.