Walo ang arestado sa sinalakay na drug den sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2016 - 09:24 AM

DZIQ file photo
DZIQ file photo

Walong katao ang dinakip sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad sa dalawang drug den sa Maynila kaninang madaling araw.

Ayon sa station anti-illegal drugs unit ng Malate Police station, target ng kanilang operasyon ang suspek na sina Myline Romero at Christopher Parayno.

Nadakip si Romero sa aktong pagbebenta ng shabu sa nagpanggap na buyer sa kahabaan ng Leveriza Street.

Dinakip din ng mga otoridad ang nanay ni Romero na si Hilda matapos nitong tangkain na harangin ang pagdakip sa kaniyang anak.

Samantala, dalawang suspek pa na sina Gilbert Veray at Criselda Cabanto ang nadakip sa nasabing operasyon.

Samantala, sa hiwalay na buy-bust, nadakip naman si Parayno sa akto ring pagbebenta ng shabu sa isang nagpanggap na buyer.

Tatlo pa ang inaresto kasama ni Parayno at dalawa dito ang nakilalang sina Bernie Javier at John Bell Padilla na pawang nakuhanan ng ilegal na droga.

Ayon sa pulisya, sina Romero at Parayno ay kapwa kasama sa kanialng drug watchlist.

Ginagamit umano ng dalawa ang kanilang mga bahay bilang drug den.

Umabot sa labingdalawang sachet ng shabu ang nakumpiska sa nasabing operasyon na tinatayang nagkakahalaga ng P15,000.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang pitong suspek habang ang ina ni Romero ay kakasuhan ng obstruction of justice.

 

 

TAGS: buy bust operation, drug den in Malate Manila, buy bust operation, drug den in Malate Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.