4 na miyembro ng gun-for-hire group, patay sa engkwentro sa Rizal

By Kabie Aenlle December 28, 2016 - 04:28 AM

 

gun1Patay ang apat na miyembro ng gun-for-hire group na tinaguriang “Highway Boys,” matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Cainta, Rizal.

Napatay ang apat na suspek sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Cainta police at ng mga miyembro ng SWAT, kung saan naaresto rin ang 15 iba pang miyembro ng naturang grupo.

Ayon sa pulisya, ang “Highway Boys” group ay isang grupo ng mga gun-for-hire at pawang mga may kinalaman sa iligal na droga ang kanilang mga ginagawang pagpatay.

Isang informant umano ang nagpaalam ng impormasyon sa mga pulis tungkol sa kinaroroonan ng grupo, kaya nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad.

Sinalakay nila ang nilalagian ng nasabing grupo sa Cainta, Rizal kung saan naganap ang engkwentro, at naaktuhan pa ng mga pulis ang ilan sa mga miyembro nito na nagse-semento na ng isang bangkay.

Hinala ng mga pulis, ilang bangkay na ang nailibing sa lugar na iyon, at posibleng ang iba pa nilang napatay ay isinisilid sa loob ng drum, sinisementuhan at inihuhulog sa ilog na katabi lang ng naturang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.