Imahe ng Sto. Nino de Cebu bibisita sa Metro Manila sa kauna-unahang pagkakataon sa August 14-18

August 10, 2015 - 05:10 PM

Inquirer file photo

Sa kauna-unahang pagkakataon, dadalhin sa Metro Manila at Laguna ang sagrado at makasaysayang imahe ng poong Sto.Nino na magmumula pa sa Basilica Minore del Sto.Nino de Cebu.

Nakatakdang dumating ang imahe sa Biyernes ganap na alas 8:10 ng umaga, August 14.

Ang imahe ay unang dadalhin sa Quirino grandstand sa Luneta pamamagitan ng isang motorcade mula sa NAIA terminal 2.

Ganap na alas 10:30 naman ng umaga sa Biyernes pa rin ay ipoprusisyon naman ang relic mula sa Luneta patungong San Agustin Church sa Intramuros kung saan doon ay idaraos ang banal na misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, dakong alas 12:00 ng tanghali.

Pagkatapos ng misa ay isusunod naman ang prusisyon sa palibot ng Intramuros.

Kinabukasan, Agosto 15, dadalhin naman ang imahe sa Baseco Compound sa Tondo, at muling magkakaron ng misa at padasal ng mga mananampalataya.

Sa hapon, ay gaganapin naman ang Sinulog rites sa Baseco Compound bago dalhin ang imahe sa Manila Cathedral.

Sa araw na ding iyon ay sabayan namang isasagawa ang ika 450-KAPLAG Heritage conference sa Auditorium ng National Commission for Culture and the Arts,ganap na ala una y medya ng hapon.

Sa araw ng Linggo, August 16, dakong alas 7:00 ng umaga, magkakaroon ng Misa sa Manila Cathedral.

Pagkatapos ng misa, isasagawa na ang Fluvial procession sa Pasig River na magmumula sa Guadalupe Ferry terminal.

Kinabukasan, araw ng Lunes ay isasagawa ang Misa sa Nuestra Senora De Gracia o NSDG parish sa Guadalupe Viejo bago dalhin ang imahe sa Sto.Nino parish sa Binan,Laguna sa pamamagitan ng motorcade.

Sa hapon ay isasagawa naman ang Sinulog rites kung saan inaanyayahan ang mga deboto na mag-vigil hanggang hatinggabi sa naturang g araw.

Matapos ito, Ililipad nang muli ang imahe pabalik ng Cebu sa Martes, ika-labing walo ng Agosto./ Ricky Brozas

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.