VP Robredo dumipensa sa mga batikos kaugnay sa pagpunta sa U.S

By Chona Yu December 26, 2016 - 04:39 PM

Leni Robredo11Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan para maikasa na ang pagbibigay tulong sa mga nabiktima ng bagyong Nina.

Sinabi ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo na ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang kanilang kampo sa Angat Buhay partners at iba pang pribadong sektor para makahingi ng kakailanganing agarang relief goods na madadala sa Bicol Region.

Paliwanag ni Hernandez, bagama’t nasa America sa ngayon si Robredo para sa isang family reunion pero patuloy aniya ang pagmo-monitor nito sa sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong si Nina.

Nauna nang umani ng batikos mula sa mga netizen ang umano’y pagpunta sa U.S ng pangalawang pangulo sa kabila ng alam naman nito na may darating na bagyo sa bansa.

Kahapon ay naglabas rin ng pahayag ang kanyang tanggapan kung saan ay nakasaad dito na patuloy na nakatutok si Robredo sa mga kaganapan kaugnay sa pananalasa ng bagyong Nina.

TAGS: hernandez, nina, Robredo, U.S, hernandez, nina, Robredo, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.