Matapos ang ikaanim na landfall, bagyong Nina muling humina pero napanatili ang typhoon category

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2016 - 11:46 AM

Matapos ang ikalimang landfall ng bagyong Nina sa Verde Island, Batangas kaninang alas 9:15 ng umaga, nasundan pa ito ng pang-anim na pagtama sa lupa ng bagyo.

Ayon sa PAGASA, alas 10:10 ng umaga nang maglandfall ang bagyo sa Tingloy, Batangas.

Dahil dito, humina pa ang bagyo pero nanatili itong nasa typhoon category.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Nina ay huling namataan sa bisinida ng Tingloy, Batangas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.

Pa-kanluran pa rin ang direksyon ng bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Batangas, Northern portions ng Oriental at Occidental Mindoro at sa Lubang Islands.

Signal number 2 naman sa Metro Manila, Rizal, Southern Quezon, Marinduque, Cavite, Laguna at nalalabing bahagi ng Mindoro.

Habang signal number 1 ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Quezon, kabilang ang Polilio Islands, Bulacan, Pampanga, Southern, Zambales, Romblon, Camarines Norte, Bataan at Calamian Group of Islands.

Sa Miyerkules ng umaga, lalabas na ng bansa ang bagyo.

 

TAGS: Pagasa, Typhoon Nina Update, weather in PH, Pagasa, Typhoon Nina Update, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.