Orange rainfall warning, nakataas na sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Itinaas na ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa ilang oras nang malakas na buhos ng ulan.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA kaninang alas 10:00 ng umaga, orange warning level ang nakataas sa Metro Manila, Rizal, Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.
Ayon sa PAGASA, nagbabadya ang pagbaha sa nasabing mga lugar na apektado ng orange warning level.
Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa lalawigan ng Bataan at Bulacan.
Habang light to moderate na may occasional heavy rains ang naka-aapekto sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga.
Muling maglalabas ng rainfall advisory ang weather bureau mamayang ala unang hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.