Bagyong Nina, naglandfall sa Batangas City

By Erwin Aguilon December 26, 2016 - 10:23 AM

Muling tumama sa kalupaan ang bagyong Nina, at sa pagkakataong ito, naglandfall ang bagyo sa Verde Islands, Batangas City.

Ayon sa PAGASA, alas 9:15 ng umaga nang maglandfall ang Typhoon Nina sa nasabing isla.

Ito na ang ikalimang pagtama sa lupa ng bagyo, matapos ang unang nitong landfall sa Bato, Cantaduanes; ikalawa sa Sagñay, Camarines Sur; ikatlo sa San Andres, Quezon at ang ikaapat ay sa Torrijos, Marinduque.

Una nang sinabi ng PAGASA na alas dos mamaya lalabas ng landmass ng Batangas ang bagyo at magtutungo ito sa Cavite.

Sa pagitan ng alas dos at alas kwatro ng hapon ang pinakamalapit na lokasyon ng bagyo sa Metro Manila.

 

TAGS: 5th landfall of typhoon nina, Pagasa, Verde Islands Batangas City, weather in PH, 5th landfall of typhoon nina, Pagasa, Verde Islands Batangas City, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.