Uulanin ngayong araw na ito ang Metro Manila at kalapit na lalawigan ayon sa PAGASA

August 10, 2015 - 11:35 AM

PAGASA Habagat AUg 10Magdudulot ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ang Southwest Monsoon o habagat ngayong araw.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, makararanas ng ‘occasional rains’ ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Bataan, Pampanga, Zambales gayundin ang Mindoro, Palawan at Ilocos region.

Nagbabala din ang PAGASA na ang mararanasang pag-ulan ay maaring makapagdulot ng flashfloods at landslides.“The general public and Disaster Risk Reduction and Management Councils concerned are advised to take necessary precautionary measures against possible flashfloods and landslides,” ayon sa PAGASA

Nauna nang inabisuhan ng PAGASA ang mga residente sa Metro Manila sa mararanasang malakas na buhos ng ulan ngayong araw na epekto ng mamumuong thunderstorm.

Sa Western Visayas at sa nalalabing bahagi ng northern at central Luzon ay makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan./ Dona Dominguez- Cargullo

TAGS: rains in metro manila due to southwest monsoon, rains in metro manila due to southwest monsoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.