Mga naapektuhang pasahero ng mga ‘flight cancellations’ maaring dumulog sa kanilang mga carriers-MIAA
May apela ang Manila International Airport Authority o MIAA sa lahat ng mga pasahero lalo na ang mga kanselado na ang flights.
Sa advisory, hinimok ni MIAA General Manager Ed Monreal ang affected air passengers na magtungo lamang sa airport kung ang kanilang airline ay nag-anunsyo ng ‘recovery’ ng flights.
Ito’y upang maiwasan aniya ang abala tulad ng matagal na paghihintay o pananatili sa airport nang walang katiyakan kung makakaalis ba o hindi.
Inilabas ng MIAA ang advisory kasunod ng anunsyo ng Philipppine Airlines, Cebu Pacific, Air Asia at iba pan airline companies ng pagkansela sa maraming flights ngayong Pasko at bukas (December 26) dahil sa Bagyong Nina.
Ayon kay Monreal, mas mainam na palagiang i-check ng air passengers sa kani-kanilang airline companies o travel agents ang status ng mga biyahe.
Ani Monreal, ngayong may sama ng panahon ay inaasahan na ng MIAA ang lahat ng scenarios.
Kinumpirma naman ni Monreal na inatasan na niya ang lahat ng mga opisyal ng MIAA na magreport sa trabaho bukas bilang bahagi ng crisis management effort upang matugunan ang lulutang na sitwasyon o problema na bunga ng Bagyong Nina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.