PAGASA, naglabas ng flood advisory para sa 36 na probinsya

By Mariel Cruz December 25, 2016 - 03:19 PM

FLOOD ADVISORY
Photo from PAGASA

Aabot sa tatlumpu’t anim na probinsya ang inilagay sa flood alert ng PAGASA habang papalapit ang bagyong Nina sa Southern Luzon.

Batay sa 7AM update, kabilang sa mga nasa ilalim ng general flood warning ng PAGASA ang Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Tarlac, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Kasama din ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Palawan, Cebu, Negros Oriental, Bohol, Leyte, Eastern Samar, Northern Samar, at Southern Leyte.

Maging ang Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, Agusan at Surigao provinces, at Dinagat Islands ay nasa ilalim din ng flood warning ng weather bureau.

Kasabay nito, pinayuhan ang PAGASA sa mga residente sa Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte, Albay, at Sorsogon sa Bicol region na maghanda sa posibleng flash flood na idudulot ng bagyo.

Inaasahang ngayong hapon o mamayang gabi magla-landfall ang bagyong Nina sa Bicol region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.