UPDATE: Debris ng nawawalang Russian military plane, natagpuan sa Black Sea

By Isa Avendaño-Umali December 25, 2016 - 03:09 PM

 

AP file photo
AP file photo

Bumagsak ang isang Russian plane, na may sakay na siyamnapu’t dalawa pasahero at crew, sa Black Sea sa araw ng Pasko.

Batay sa pinakahuling balita, sinabi ng Russian Defense Ministry na may natagpuang fragments o debris ng Russian Tu-154 plane.

Mayroon na ring isang bangkay ang narekober, at sinasabi na walang survivors.

Ayon sa ministry, ang eroplano ay napaulat na nawala mula sa radar matapos magtakeoff sa Black Sea resort ng Sochi.

Ang nabanggit na eroplano ay may sakay na walong crew at walumpu’t tatlong pasahero, kabilang na ang world-famous na Alexandrov military choir at ilang journalists.

Patungo sana ang Tu-154 aircraft sa Russian military base sa Syria.

Iniimbestigahan na ng Russian investigators ang rason ng trahedya.

Pero sa Interfax news agency, ‘criticial technical failure during ascent’ ang nagbunsod ng pagbagsak ng eroplano.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.