Bishop Soc: Nakakasira ang EJKs sa diwa ng Kapaskuhan
Nasira umano sa tunay na kahulugan ng Kapaskuhan ang umano’y extrajudicial killings sa bansa.
Sa Christmas message ni Catholic Bishops Conference of the Philippines president Socrates Villegas, kapistahan aniya ng kabutihan ang Pasko ngunit ang madugong kampanya sa iligal na droga ng Duterte administration ang nakakapagpabahid dito.
Ikinumpara pa ng Lingayen-Dagupan Archbishop ang pinagkaiba ng ingay at tamis ng Christmas carols at Noche Buena sa bawat pamilya nang simulan ang ganitong proseso ng gobyerno.
Igiit pa ni Villegas, hindi bulag at manhid ang mga Pilipino sa kinahahantungan ng bansa ngayon.
Hindi rin aniya ito ang kabuuang plano ng Panginoon para sa sambayanan.
Batay sa mensahe nito, ang pamumuhay aniya nang may galit ay pinagmumulan ng pamumuhay ng may takot sa sariling buhay at sa pamilya.
Paliwanag pa ni Villegas, ang Pasko ang oras upang manumbalik ang pananampalataya at pag-asa sa Panginoon at mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.