Natimbog ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Bureau of Internal Revenue Director Jonas Amora.
Si Amora ay napatay makaraan ang ambush sa Katipunan Avenue, Quezon City noong November 21.
Pinangalanan ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si Allan Manalo, 43 anyos at aktibong miyembro ng CAFGU at residente ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Naaresto si Manalo dahil na rin sa reklamo ng mga residente sa Barangay Batasan na wala umano itong habas na nagpapaputok ng baril.
Tiyempo naman na nagpapatrulya si SPO3 Roberto Ramirez kung kaya agad na naaresto ang suspek.
Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, napag-alaman na may ugnayan si Manalo sa pagpatay kay Amora base na rin sa pahayag ng witness sa ambush.
Nakuha sa suspek ang isang kalibre 45, isang granada at limampung pirasong bala ng kalibre 45.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.